Forum Navigation
You need to log in to create posts and topics.

Connect Computer to WiFi – Paano nga ba? Tagalog Tutorial

Kailangan mo bang i-connect ang computer mo sa WiFi? Simple lang yan, dahil sa article na ito, ituturo ko sayo ang pinakamadaling steps kung paano i-connect ang iyong computer sa WiFi wireless networks.

Connect Computer to WiFi – Paano nga ba? Tagalog Tutorial

Isa sa mga kliyente ko ang humingi ng tulong tungkol pagmo-modify ng kanilang computer at network setup sa bahay.

Isa sa mga kliyente ko ang humingi ng tulong tungkol pagmo-modify ng kanilang computer at network setup sa bahay.

 

Ang computer daw nila ay nakalagay sa kanilang salas (o living-room) at nais na ipalipat sa kwarto. Bukod sa wala silang mahabang LAN cable ay gugugol ng mahabang oras para sa paglalatag nito sa kisame.

 

Paano nga ba i-connect ang iyong computer sa WiFi network?

Kung ang iyong laptop o desktop computer ay walang built-in PCI WiFi adapter, maaari kang bumili portable Wireless USB adapter sa mga computer parts supplies na malapit sa inyo.

 

Ang presyo nito ay nagkakaiba-iba, mula sa P150.00, hanggang 1,500.00, depende sa tatak, at kalidad ng pagkakagawa.

Base sa experience ko sa wireless networks, dalawang tatak, o brand pa lamang ang napatunayan ko na walang ibibigay na sakit ng ulo. Ika nga, plug-and-play.

Ang pinaka-murang presyo nito ay P300.00, na hindi ganoon kabilis ang speed at , at inirerekomenda ko lamang para sa pang-personal na gamit. Maaari itong bilhin sa shop na ito.

Kung ang pag-gagamitan naman ay pang-negosyo, (o enterprise) inirerekomenda ko naman sa mga kliyente ang tig P800.00 sapagkat wala kang problema sa speed nito. Ang pinaka gusto ko sa brand na ito ay hindi, o bihira lamang kung uminit, at tumatagal talaga.

Kung mayroon ka na nito, sundan lang ang steps sa ibaba para mai-connect ang iyong computer sa WiFi network.

 

1. Isaksak ang USB WLan Donggel sa USB port

Isaksak ang wireless addapter sa kahit anong gumaganang USB port ng iyong computer. Mas maganda kung sa likod na bahagi ng iyong system unit, isasaksak ang Wlan adapter upang maging organisado ang ports at maiwasan ang madalas na pagkakasagi nito.

 

 

2. I-Click ang signal bar

Kapag binasa na ng iyong unit ang USB portable WLAN device, makikita ang wifi signal bar sa kanan, ibabang bahagi ng screen.

 

I-click ang signal bar upang lumabas ang network panel.

 

 

3. I-Connect sa available WiFi

  • Piliin ang pangalan ng iyong WiFi at i-click ang connect.
  • Ilagay ang password nito at i-submit.
  • Hintaying mag-connect ang iyong computer sa Wireless network. Kung ito ang unang beses na iko-connect ang iyong computer sa WiFI, madalas ay maghihintay ka lamang ng 5 segundo, na maaaring tumagal ng hanggang 1 minuto, dipende sa bilis ng iyong hardware, dami ng connected user at lakas ng signal.

 

Kapag connected na ang iyong computer, makikita ang lakas ng signal nito.

 

 

Congrats dahil connected na ang iyong computer sa local wireless network. Maaari mo na itong gamitin upang mag share ng files, o mag internet kung mayroong internet access ang network kung saan ka connected.

 

Gaano kalayo ang kayang abutin ng WiFi?

Kung pag-uusapan natin kung gaano kalayo ang kayang abutin ng wireless network, ito ay nakadepende sa madaming salik.

Kung high-end o maganda ang kalidad ng WiFi hardware na gagamitin mo, gaya ng may external antenna, mas malayo ang mararating nito.

Nakadepende sa bandwith ng WiFi hardware kung gaano kalayo ang mararating ng signal nito. Kung ang frequency na gagamitin mo ay 2.4 GHz, kayang umabot ng signal nito hanggang 150 talampakan (feet) lalo na kung ang setup nito ay pang outdoor. Pero ang mga low frequency ay hindi ganoon kadami ang data na kayang dalhin kaya mas mabagal ito kumpara sa high-frequency.

Hindi naman makakarating sa malayo ang signal ng WiFi na gumagamit ng frequency na 5 GHz. Subalit mas maraming data naman itong kayang dalhin kung kayat ito ang pinakamainam na gamitin kung gusto mo ng mabilis na connection.

Nakaaapekto din ang physical location ng WiFi transmitter (o router) at ng receiver nito, gaya ng computer, at mobile devices.

 

Gumamit ako ng Windows 8.1 Operating System para sa tutorial na ito. Ang mga display ay kapareho lamang ng Windows 10, ngunit maiiba kung ikaw ay gumagamit ng Windows 7 O.S.

Kung nahihirapan ka sa pag-setup nito, pwede kang mag leave ng comment sa ibaba, gumawa lang ng account dito. Pwede ka din sumali dito sa aming talakayan kasama ang iba pang eskperto.


This article was published last October 10, 2020. Last updated on October 14, 2020.


Gusto mo bang matuto ng mga simpleng tips na makatutulong sayo sa paggamit ng computer? Magsubscribe lang sa aming weekly newspaper para makatanggap ng notification sa email, isang beses sa isang linggo, kapag may bago akong article.