Forum Navigation
You need to log in to create posts and topics.

Paano gamitin ang SmartPhone as Computer WebCam?

Mabigat sa bulsa ang pagbili ng computer para sa Online Class at Work at Home. Gamitin ang iyong Smart Phone as Web Cam upang makatipid gamit ang iriun.

Paano gamitin ang SmartPhone as Computer WebCam?

Binago ng nakahahawa at nakamamatay na sakit na Covid19 ang buhay ng tao sa buong mundo. Subalit hindi dapat tumigil ang pag-ikot ng mundo, at ang pag-galaw buhay ng mga tao. Dahil dito, kailangan nating mag adapt sa tinatawag na New Normal. Ito ang makabagong pamamaraan upang patuloy nating magampanan ang pamumuhay kahit na malayo ito sa ating nakasanayan, at isa sa kailangan nating matutunan ay ang Work-at-home at Distant Learning setup.

 

Ano ang Work-at-home at Distant Learning setup?

Upang maiwasan ang patuloy na hawaan ng sakit, hinihikayat ng gobyerno sa buong mundo ang Stay at home practice, kung saan, nililimitahan ang paglabas ng mga tao. Ang higit na tatamaan ng ganitong polisiya ay ang mga mag-aaral at ang mga mang-gagawa. Sa New Normal, papayagan ang mga empleyado na gampanan ang kanilang mga duties, na hindi kailangan ng Physical Appearance sa pag-gawa, sa loob ng kanilang mga tahanan; ganoon din naman ang mga estudyante na ituloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga online class.

 

Read: Paano kumita sa pamamagitan ng captcha typing?

 

Ano ang mga kailangan sa Work-at-home at Online Class?

Upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan at magampanan ng mga empleyado ang kanilang mga tungkulin, kailangan mo ng mga sumusunod.

 

  1. Computer – Kailangang mayroon kang Laptop o Desktop na may naka-installed na apps/software na sumusunod.
    • Office – (Gaya ng Microsoft Office 2010 or later version)
    • Zoom – Video Conferencing, Web Conferencing, Webinars (Nangangailangan ng mas mataas na specification ng computer gaya ng CPU, Graphics Card at RAM, upang magamit ng smooth at walang aberya)
    • Google Meet – (Nangangailangan na mayroon kang Google Account.)
  2. Internet Connection  – Kailangan ng isang mabilis at stable na internet connection upang walang aberya sa online activity. Upang masigurado na stable ang iyong connection, maari mong gamitin ang online tool app na Internet Speed Stabilizer.
  3. Stable Electricity – Marami pa ding lugar sa ating bansa na may kakulangan sa supply ng kuryente, na nagreresulta sa rotational brownout.
  4. WebCam – Kailangan ng isang malinaw at maayos na Web Camera para sa iyong Desktop Computer. Ang ilang mga Laptop computer naman ay may buit-in camera ngunit kung ang iyong unit ay wala, o hindi gumaganang webcam, kailangan mong bumili nito. May ibat ibang uri ng WebCam na mabibili sa ilang computer hardware supplies at maging sa mga online store for as low as P300.00.
  5. Tahimik at kaaya-ayang lugar – Madaling gawing kaaya-aya ang lugar kung saan mo balak mag-trabaho o mag-aral online. Ang tamang lighting at presentableng background ay sapat na. Subalit ang mahirap gawain ay kung papaano natin tatanggalin sa audio background ang hindi kaaya-ayang ingay na ginagawa ng kapit bahay, sasakyan at iba pa.

 

Filipino Capacity on Work-at-home and Online Classes

Ang isa sa pinaka-masaklap na sitwasyon sa ating bansa, ay marami sa atin ang kapus-palad na walang kakayahang bumili ng mga gadgets at computer. Kaya kung ikaw ay mayroon nang computer o gadgets, ipagpasalamat mo ito sapagkat pinagpala ka kumpara sa nakararami.

 

Paano gamitin ang Smart Phone as WebCam?

Kung ikaw ay may desktop o laptop computer na wala/sirang camera, ituturo ko sayo kung paano gamitin ang iyong smart phone as webcam upang hindi ka na gumastos. Sundin ang mga sumusunod na steps.

 

1. I-download ang Iriun Webcam sa Smart Phone

Paano gamitin ang SmartPhone as Computer WebCam?

    • Kung ikaw ay Android user, pumunta sa Google Play Store; kung ikaw naman ay IOS user, pumunta sa App Store.
    • I-search ang Iriun Webcam at i-download
    • Kapag natapos nang ma-install, i-open ang Iriun Webcam

 

2. I-download ang Irium Webcam sa Computer

  • Pumunta sa Iriun website at i-download at i-install ang software na compatible sa iyong Desktop/Laptop computer. Supported nito ang Windows, Mac at Ubuntu operating systems. I-open ang Iriun app sa iyong computer.Paano gamitin ang SmartPhone as Computer WebCam?

 

3. I connect sa iisang network ang iyong smartphone at computer.

    • Kung mayroon kang mode/router, siguraduhin na connected dito ang iyong smartphone at computer. I-connect ang iyong smartphone sa modem o router sa pamamagitan ng WiFi. Kung ang iyong computer ay hindi WiFi supported, maaari mo i-connect ito sa modem o router sa pamamagitan ng LAN cable. Sa ganitong set up, ang dalawang devices ay connected sa iisang network at maaari nang mag-share ng data.
    • Kung wala namang modem o router, maaari mong gamitin ang hotspot ng smartphone mo. I-navigate lang sa settings at hanapin ang Hotspot/Tethering. Buhayin ang sharing at i-connect dito ang iyong computer. Sa ganitong set-up, kailangan na WiFI supported ang iyong laptop o desktop computer. Ang connection ay mangagaling sa iyong smartphone at hindi maaaring gumamit ng USB broadband dongle/stick, kaya kailangan na mayroon kang internet connection sa iyong mobile phone.
    • Kung wala kang modem/router at hindi WiFi supported ang iyong computer, maaari ka namang gumamit ng USB cable. Ito ay ang cable na ginagamit mo para mai-charge ang iyong mobile phone. I-connect lang ang cable sa iyong smartphone at computer, at pumunta sa settings. Hanapin ang tethering at piliin ang USB Cable tethering. Sa ganitong set-up, ang internet connection ay mangagaling sa iyong smartphone.

 

4. I-check kung nagrerender na ang video

    • Kung nasunod mo ang lahat ng instruction sa itaaas, automatic na magko-connect ang iriun app mula sa smartphone hanggang computer. Kung nakita mo na sa iriun app ng computer ang videoshots ng camera mula sa iyong smartphone, maaari mo nang gamitin ito bilang webcam.

 

FAQ’s (Frequently Ask Question)

  1. Safe ba gamitin ang Iriun?

    • Based on our experience, walang virus o kahit anong malware ang na-detect ng mga antivirus na ginagamit ko both computer and android. Kaya safe itong gamitin.
  2. Hindi ba ito nakakasira ng computer o android phone?

    • Base sa aming experimento at sa matagal na panahon na ginagamit namin ang app na ito, hindi ito nagdudulot ng pag-init ng android unit (Samsung Galaxy J1 Mini Prime) na ginagamit namin. Ang android at windows version ng app na ito ay parehong magaan kaya asahan ang magandang performance ng inyong devices. (Results may vary depending on your unit.)
  3. Pwede ba itong gamitin sa Video Conferencing Apps?

    • We tested this app sa mga video conferencing apps gaya ng Zoom, Google Meet at Skype. Gumagana din ito sa mga photo capturing software na pre-installed o ii-install pa lang sa iyong computer.

 

Sana ay nakatulong ang tutorial na ito sa mga tulad mo, upang makatipid sa pamamagitan ng pag-gamit ng smartphone as webcam. May alam ka pa bang ibang paraan para ma-improvised ang mga gamit na mayroon ka? May iba ka pa bang katanungan tungkol sa iriun app? Just leave a comment below.


Disclaimer: This article is published for educational purposes only. This tutorial is based on the author’s personal experience. The author did not receive any means of compensation from Iriun Webcam and is not connected by its respective owner.